Wikang Sebwano
- Pamilya Tangkay

- Aug 24, 2018
- 2 min read
Updated: Aug 28, 2018
Negros Oriental, Cebu, Bohol, Siquijor, Southern Leyte, Rehiyon ng Hilagang Mindanao, CARAGA, Rehiyon ng Davao


Ang Wikang Sebwano ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya. Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.[2] Ito ang katutubong wika sa Gitnang Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). May tatlong letrang kodigo ito sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.
Populasyon
33 milyon na mga Pilipino
Wikang Austronesiyo ang Sinugbuanon, at marami itong katumbas na salita sa ibang mga wika ng Filipinas at iba pa.
Ang Sebwano ay maraming salitang hango sa wikang Kastila, tulad ng krus [cruz], swerte [suerte] at brilyante [brillante]. Marami rin itong nahiram na salita sa Ingles. Mayroon din na galing sa salitang Arabo.
Ang Sebwano ay katutubong sinasalita ng mga naninirahan sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at sa ilang bahagi ng Leyte at Samar at sa kabuuan ng Mindanao. Ito ay sinasalita rin sa iilang bayan sa pulo ng Samar. At hanggang 1975, nalagpasan ng Sebwano ang Wikang Tagalog sa dami ng katutubong nagsasalita nito. Ang ibang wikain ng Sebwano ay nabibigyan ng iba't ibang pangalan ang wika. Ang mga naninirahan sa Bohol ay tinatawag itong Bol-anon samantalang sa mga tapagsalita ng Sebwano sa Leyte ay tinatawag naman itong Kana.
Ito ay kinokonsidera rin kadalasan bilang WIKANG BISAYA, dahil ang Wikang Sebwano ay parte ng mas malaki pang pamilya ng wika ng mga tiga-bisayas at ibang parte ng Mindanao. Subalit, ito ang pangunahing wika o dayalekto sa lahat ng uri ng wika at ito ay ang de facto wika ng mga nagsasalita nito kaysa Bisaya.





Comments