Wikang Waray-waray
- Pamilya Tangkay

- Aug 24, 2018
- 1 min read
Updated: Aug 28, 2018
Masbate, Samar, Leyte, Biliran

Ang Wináray, Win-áray, Wáray-Wáray o Waráy ay isang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.
Ang pangkat ng mga wikang Waray ay binubuo ng Waray, Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon. Bisakol ang tawag naman sa mga wikang Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon dahil komplementaryo sila ng mga wikang Bisaya at Bikolano. Lahat ng wikang Waray ay kabilang sa grupo ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo.
Populasyon
3.1 milyon na mga Pilipino
Bagama’t may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag lamang na Waray dahil iisa lamang ang kanilang lingguahe na sinasalita. Gayumpaman, nagkakaiba naman sila sa mga ideya at proposisyon, at konstuksyon ng pangungusap. Dahil doon, ay may tinatawag na Samarnong Waray at Lineyteng Waray. Kahit pa na may pagkakaiba ang dalawang ito, nananantili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang pangunahing wika sa mga probinsiyang ito.





Comments