Wikang Kapampangan
- Pamilya Tangkay

- Aug 24, 2018
- 1 min read
Updated: Aug 28, 2018
Tarlac at Pampanga

Ang Wikang Kapampangan ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wika ginagamit sa Pampanga. Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango, Capampan͠gan/Capampañgan, Pampangueño, at Amanung Sisuan (wikang pinasuso).
Populasyon
2.4 milyon na mga Pilipino
Ang salitang "Kapampangan" ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing ilog (ang pampang din ay salitang Tagalog na may kaparehong kahulugan).
Mangilan-ngilan lang ang may nakakaalam sa naturang wika bago dumating ang mga Espanyol noong ika-16 siglo.
Sa kasalukuyan, ang paggamit sa Kapampangan, kahit na sa mga lugar na kung saan tradisyunal na ginagamit ang wika ay unti-unti nang nababawasan.
Ang Kapampangan ay isang Wikang Hilagang Pilipinas sa loob ng pamilyang Awstronesyo.





Comments