Wikang Ilokano
- Pamilya Tangkay

- Aug 24, 2018
- 1 min read
Updated: Aug 28, 2018
Rehiyon ng Ilocos, Cordillera at Cagayan Valley

Ang Iloko o Ilokano ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang wikang gamit ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa ibang bahagi ng Cordillera Administrative Region. Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao.
Populasyon
Tinatayang may mahigit 9 milyong gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas.
Ang wikang Ilocano ngayon, bukod sa gamit nito bilang lingua franca ng Hilagang Luzon, ay kinikilala rin bilang Heritage Language ng Estado ng Hawaii. Ito ay sa kadahilanang nakararami sa mga Filipino-Americans ay may dugong Ilocano at sa kadahilanan ding marami sa mga nauna nang sakada (mga Pilipinong nagpunta sa Amerika noong panahon ng pananakop) ay dugong Ilocano at hindi nakapagsasalita ng Tagalog. Samakatuwid, mas nakararaming Filipino-Americans ang may lahing Ilocano at nakapagsasalita ng Ilocano, bagamat ang mga bagong henerasyon ngayon ay marunong kahit papano sa Tagalog.
Sa Honululo ngayon ay may sinimulang layunin ang mga anak at kaapuapuhan ng mga naunang sagada. Ito ay ang pagpapalawak ng salitang Ilocano at ang paghihikayat sa mga Ilocano sa Pilipinas na ito ay gamitin at ituro sa mga anak. Nakita nilang nasa panganib ang wika dahil na rin sa propaganda ng mga Tagalista na naglalayong patayin ang lahat ng wika sa Pilipinas liban sa Tagalog.
Idagdag pa na ang wika ay itinuturo sa Unibersidad ng Hawaii bilang isang kurso. Wala silang kurso para sa Tagalog.
"Tinataya ring may humigit-kumulang na 20 milyon native speakers ang Ilocano sa buong mundo."





Comments