top of page
Search

Wikang Bikolano

  • Writer: Pamilya Tangkay
    Pamilya Tangkay
  • Aug 24, 2018
  • 2 min read

Updated: Aug 28, 2018

Bicolandia
Ang nakalimbag ng indigo ang lugar na karamihan ng mga tao ay nagsasalita ng Bikolano

Ang Gitnang Bikol ay ang pinakasinasalitang wika sa Rehiyon ng Bikol sa timog ng Luzon. Ginagamit ito sa hilaga at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Camarines Sur, sa ikalawang distrito pangkinatawan ng Camarines Norte, silangang bahagi ng Albay, hilagang-silangang bahagi ng Sorsogon, sa bayan ng San Pascual sa Masbate, at timog-kanlurang bahagi ng Catanduanes. Nakabatay ang pamantayan nito sa diyalektong sinasalita sa bayan ng Canaman.


Populasyon

2.5 milyon na mga Pilipino

Ang Bikol-Naga, isang diyalekto sa Coastal Bikol na nakabatay sa Canaman, Camarines Sur at ang pundasyon ng Pamantayang Bikol, kasama ng Bikol-Legazpi, na nakabatay sa Lungsod ng Legazpi, ay nauunawaan ng halos lahat ng mananalita ng Bikolano. Sinasalita ito sa una at ikalawang distrito ng Camarines Sur (maliban sa bayan ng Del Gallego, kung saan ang mga naninirahan dito ay mananalita ng wikang Tagalog) at sa bayan ng San Pascual sa lalawigan ng Masbate.


Ang Bikol-Legazpi ay sinasalita sa silangang bahagi ng Albay at sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Sorsogon


Ang iba pang mga diyalekto ay kinabibilangan ng Bikol-Daet, na sinasalita sa Daet at sa mga kalapit na bayan sa Camarines Norte, at ang Bikol-Partido, na sinasalita sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur at sa Virac, San Andres at sa katimugang bahagi ng Caramoran sa Catanduanes.


Noong 1937, napili ng Surian ng Wikang Pambansa ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas. Noong 1939, tinawag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang ang Wikang Pambansa. Noong 1959, muli itong pinangalanang Pilipino ni Jose Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon, upang mabigyan ang Tagalog ng isa pambansang tatak at diwa, sa halip na pangpangkat-etniko lámang. Subalit hindi nagresulta ang pagpapalit ng pangalan ng Tagalog sa pagtanggap, sa diwang nakadarama, ng mga hindi Tagalog, partikular na ang mga Sebwano, na hindi sumang-ayon sa pagkakapili ng Tagalog bílang wikang pambansa.


 
 
 

Comments


Sino?
 

Mga Mag-aaral ng Manuel G. Araullo High School Manila. Baitang 12 - Pangkat STEM. 

  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Black Google+ Icon

© 2023 by Pamilya Tangkay. Proudly created with Wix.com

Kontact

 

09150516887 - ray.binas19@gmail.com

Pasasalamat

Gng. Candelaria N. Santos

Guro, FIlipino sa Piling Larang

 

Gg. Joefrey R. Chan

Tagapagpayo 

Gng. Eufronia T. Francisco

Assistant Principal

Success! Message received.

bottom of page